top of page

Patok Na Destinasyon

Pamana Beach, ang “Pamana Beach Resorts” ay matatagpuan sa Barangay San Sebastian, apat na kilometro mula sa kabayanan mararating ito sa loob lamang ng 10 minuto, ang Balading Beach Resorts ay tabing kalsada lamang at madaling matagpuan dahil ito ay karatig lamang ng iba ibang “resorts” kagaya ng Balading Beach Resorts at ang kasalukuyang pinapaganda pang “New Port Beach”.

 

Ang Pamana Beach Resort ay maaring pag dausan ng mahahalagang okasyon kagaya ng Pagtitipon, Kasal, Kaarawan at iba pa, maari ring upahan ang kanilang kubo na gawa sa kahoy at nipa sa halagang 200 pesos habang ang konkreto o “close cottage” naman ay 800 pesos kada isang araw. Ang kabuohang lugar ay patuloy na pinapaganda ng may ari na sila Mr and Mrs. Genavia, sa aming panayam sila ay mag daragdag pa ng marami pang “cottages” lalo na’t papalapit na an tag init at panahon ng bakasyon.

 

Ang Pamana Beach at ang mga cottage nito ay kakaiba sa lahat, sapagkat ito ang may pinaka malawak na buhangin kung saan ang mga cottages ay nakatayo mismo sa buhanginan. Dinarayo ito sa tuwing sasapit ang hapon dahil sa kanilang sikat na Karaoke o videoke.

 

Kagaya ng mga katabing Resorts, ang Pamana Beach ay may maputing buhangin, malinis ng dagat na at kapaligiran, tahimik at ang higit sa lahat walang bayad sa o entrance fee sa pag pasok sa lugar na ito.

IMG_7195
IMG_5006
IMG_5025
IMG_3562
IMG_4012
_MG_1040
_MG_1037
_MG_1035
Palm Trees

Balading Beach Resorts, katabi lamang ng Pamana Beach Resort ang Balading Beach Resorts ay isa sa pinaka unang naitayong resorts sa sitio Balading, Brgy. San Sebastian, alinsunod sa pangalan nito ang pagkilala sa lugar ng balading na kung saan ang puting buhangin at malinis na dagat ay nakilala hindi lang sa buong bayan kundi pati na rin sa mga karatig bayan ng Sta. Magdalena. Sa yaman ng dagat ng balading dinarayo ito hindi lamang ng mga mamamasyal o maliligo kundi pati na rin ang mga mangingisda, dahil banayad ang alon sa Balading Beach puntahan ito ng mga mangingisda at mangunguha ng sea weed kagaya ng “gulaman”, “lato”, “lukad” at iba pa, mga yamang dagat kagaya ng “buskay” o sea shells at ibat-ibang uri ng isda.

 

Sa halagang 150 hanggang 200 pesos maari mo nang gamitin ang kanilang cottage na gawa sa kahoy at nipa, maari ding pag dausan ng maliliit na pag titipin ang kanilang “Karaoke house” kung saan kasya ang hanggang sa 100 ka tao, sa tabing dagat naka tirik ang mga cottage nila kaya napaka ganda ng tanawin, at ang kakaiba sa Balading Beach ay maraming punong pwede masilungan habang dinarama ang ihip ng simoy ng hangin na nag mumula sa malinis na karagatan.

Suki Beach Resort, matatagpuan as sitio Suki, ang suki beach resort ay ang pinaka malapit na resborts sa bayan ng Sta. Magdalena, katabi lamang ito ng Poblacion Uno, maaring lakarin ang Suki Beach sapagkat ito ay halos kalahating kilometro lamang ang layo kung mang gagaling ka sa Terminal ng Jip o tricycle, samantala kung ikaw naman ay may dalang sasakyan walang problema sapagkat may sariling kalsadang ipinatayo ang Suki para madaling mapuntahan ng mga bisita nito.

 

Ang Suki Beach Resorts ay isa sa pinaka bago, subalit pinaka maganda at pinaka kumpleto sa lahat ng mga resorts sa bayan ng Sta. Magdalena, sinasabing dito lang matatagpuan ang tunay at kauna unahang Infinity Pool with Jacuzzi sa buong lalawigan ng sorsogon.

​

Mayroon itong 2 palapag na “Suite” kung saan ang isang araw ay nagkakahalaga ng 2500 pesos kasama na ang almusal para sa 2 tao, pwede itong tirahan ng hanggang sa 10 mga bisita na walang dagdag na bayad. Ang “Suite” ay may mainit na tubig sa banyo, libring sabon, shampoo at tuwalya, malilinis na kobre kama. May isa itong kamang 2 deck atisang Queen, maaring humiling ng karagdagang higaan depende sa presyo at pangangailangan. Ang kagandahan sa mga kwartong ito ay ang tanawin, kung saan ang palayan ay matatanaw sa likod at ang kabundukan habang sa kabilang ibayo naman ay ang malinis na karagatan at buhangin ng Suki.

 

Mapag pipilian din ang kanilang 3 Bahay Kubo, sa halagang 1500 pesos sampung bisita na ang pwedeng tumuloy dito sa loob ng 24 oras, sa halagang ito may kasama nang libreng almusal para sa dalawa ka tao, may sariling banyo, electric fan, tuwalya, libring shampoo at sabon, bago at malinis na kobre kama sa kanilang Queen Bed, maaring humiling ng karagdagang higaan depende sa presyo at pangangailangan. Ang kagandahan sa kubo ay mayroon itong balkunahe at malapit lang sa dagat kaya sulit na sulit ang iyong gastos sa ganda ng mga tanawin dito. Mayroon ding ibat ibang klase ng duyan, may mga naka sabit ding “swing” sa mga punong nag papa lilim sa mga bisita araw araw.

​

Ang swimming pool ay may tatlong dibisyun ng paliguan, ang Infinity Adult, Infinity Kiddie Pool at ang Jacuzzi o Hot Pool. Dahil ang Suki Beach ay pang pribadong resort ito ay may “entrance fee” na 5 pesos kada tao, kung may dala ka namang sasakyan ang parking o paradahan naman ay may kaunting bayad ito ay para ma siguradong lahat ng sasakyang pumapasok ay naka tala at ligtas.

 

Magkano naman kaya ang bayad sa Swimming Pool?

Infinity Adult – 70 pesos

Infinity Kiddie – 50 pesos

Jacuzzi – 150 na may minimum na 10 ka tao para ito ay mapaliguan sapagkat gumagamit ito ng kureyente para painitin. Ang Jacuzzi ay may 10 massage jet na mainam pang masahe sa likod at maraming magagandang naidudulot sa katawan ng tao.

 

Kahalintulad sa ibang beach resorts sa karatig barangay, ang Suki Beach ay may open cottages din, may mga papag sa ilalim ng puno na pweding upuan upuan at silungan.

 

Ang Suki Beach ay pangunahing pinag darausan ng mga pribadong pag titipon dahil ang function hall nito ay kayang silungan ng 200 ka tao, may malaki ring itong ground na maaring pag dausan ng ibat-ibang aktibidad kayagaya ng “team building” at mga “recreation activity”, “camping” at ibapa.

 

Ang isa sa pinaka darayo sa lugar na ito ay ang mga masasarap at sariwang isda na hinahain para sa mga bisita, lahat ng lamang dagat ay hinuhuli mismo sa dagat ng Suki.

​

​

​

​

PAMANA

BALADING

SUKI BEACH

Olango Beach Resort, isa sa pinaka tanyag na pam publikong dagat paliguan, ang Olango ay isang maliit na sitio ng San Rafael 3 kilometro lamang ang layo mula sa bayan ng Sta.Magdalena, ito ay may dalawang maliliit na resorsts na mararating mapa pribado man o pam publikong sasakyan, dinaraanan ito ng mga Jip at tricycle patungo at galing Brgy. San Bartolome (Talaonga) 8 peso lamang ang pamasahe kaya sulit.

 

Ang Olango Beach ay madalas dinarayo ng mga mahilig maligo sa dagat sapagkat ang 2 resorts dito ay magkaiba ang karakter. Malalim at maalon ang Olango beach subalit ang Marahay ay banayad ang alon at mababaw lamang, kaya siguro ito binabalik balikan ito ng mga tao sapagkat sila ay may dalawang pagpipilian.

 

Maraming laman dagat kagaya ng sea weed, isda at mga shells ang makukuha dito kaya naman ang mahihilig kumain ng sea food ay tuwang tuwa sa pagkat nag iinjoy na sila nakakatikim pa ng masasarap ng lamang dagat na libre nilang nakukuha.

 

200 pesos lamang ang bayad sa kubo na gawa sa kahoy at nipa, presko at nasa tabing dagat.

OLANGO

​

Ubo Falls, Ang Talon ng Ubo ay matatagpuan sa sitio Busing ng Brgy. Penafrancia, 4 na kilometro galing ng bayan ng Santa Magdalena madali  itong puntahan, 5 minuto lamang na lakaran nasa talon kana at ma ienjoy na ang preskong tubig na umaagos mula pa sa kabundukan. Madalas itong dayuhin hindi lamang sa angkin nitong ganda kundi sa linis ng tubig at tila bang “lagoon” na nabuo sa ibaba nito.

Ang Talon ng Ubo ay lalo pang pinapaganda at inaayos ang daanan para mas madali itong mapuntahan, maaring mag piknik dito lalo na sa mga magkakaibigan, hindi masyadong mataas ang talon na ito subalit sulit dahil malapit sa kalsada kaya madaling  mararating ng kahit nino man.

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

 

 

 

 

 

 

Palugtok Falls, Ang nakatagong yaman na ito na matatagpuan sa Brgy. Salvacion, 2 kilometro lamang ang layo mula sa bayan madali mo ring mararating ang lugar na ito dahil may mga pampublikong tricycle na bumabyahe dito. Lingid sa kaalama ng nakararami, May maraming dahilan kung bakit kaylangan mong marating ito lalo na kung mahilig ka sa “adventure” bago mo marating ito may kungting pagsubok kang daraanan, babaybayin mo ang sapa na inaagusan ng talon, maging handa ka sa mga madudulas na bato, tumawid ng ilog ng paulit ulit at mamangha sa kaliwat kanang bundok na tilang nag kukubli sa talong ito, ang pagtawid at pag suyod sa sapa as para bagang hinahanap mo ang dulo nito, hanggang sa marating mo ang talon sa paanan ng bundok.

 

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

Alig-igan mountain top, Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa ganda ng tanawin sa lugar na ito, at sino ba namanag hindi mangangarap na marating ang tuktok ng burol ng Alig-Igan, ang bulubunduking Barangay na ito, Brgy. San Eugenio o Alig-Igan ay maihahalintulad sa Batanes ng Sta. Magdalena, mararating ito mula sa bayan sa loob lamang ng 15 minuto dahil ito ay 4 na kilometro lamang ang layo mula sa sentro, tricycle at jip ang pang karaniwang dumadaan dito, sa mga “adventurer” at mahilig umakyat ng bundok ay patok ang lugar na ito, mula sa tuktok nito matatanaw mo ang dagat San Bernardino at Pasipiko ng “360 degree”, matatanaw dito ang mga isla ng Samar, Biri at ilang isla ng Matnog, Hindi matatawaran ang ganda ng tanawin mula rito, ang mga berdeng dahon ng dayaming bumabalot sa kabundukan at ang asul na dagat at mapuputing buhangin.

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

TALAONGA, 9 na kilometro mula sa bayan matatagpuan ang pinakamalaki at isa sa pinakaprogresibong barangay sa bayan ng Santa Magdalena, Tanyag ito sa malalakas na alon, maitim subalit mapinong buhangin sa dalampasigan at sentro ng pag hahabi.

Kahangahanga ang karakter ng mga tao dito, magalang, masisipag at matulungin sa kapwa. Dahil sa halos lahat ng mamamayan dito ay may hanapbuhay hindi nakapagtataka ang patuloy na pagunlad ng lugar na ito.

IMG_5041
_MG_1537
IMG_7181
IMG_3047
IMG_3062
IMG_6646
_MG_6950
_MG_1021
_MG_1034
IMG_7901
10530954_983210745066699_538139701600434848_n

BALADING

SUKIBEACH

OLANGO

Suhoton at Ubak, kahalintulad sa Lian Beach, ang Suhoton ay isang publikong pasyalan at paliguan,Tinatawag ang butas na ito ng marami na LIBANON sapagkat kailangan mong lumiban o dumaan sa ibaba nito para makita ang ganda ng buhangin at karagatan sa kabilang paanan ng bundok. 

IMG_3373
83ce7b07faf51f479482c67f0c401e30
IMG_6766
bandera 2
hqdefault
IMG_6798
IMG_2965

SUHOTON

UBO

PALUGTOK

ALIG-IGAN

TALAONGA

​

© 2018 all rights reserved Angelie Gajo

Created by blipeers

  • White Facebook Icon
Sumasali sa aming "mailing list"
bottom of page