top of page

Kasaysayan

Ang sinaunang pangalan sa nayon na ngayo’y Bayan ng Santa Magdalena ay hango sa unang pangalan sa pook na ito na kung saan matatagpuan ang malalakas na daluyong ng karagatan, ang “BUSAINGAN”, unang tawag ito ng mga sinaunang pangkat o tribo na unang nanirahan sa lugar na ito , ayon sa mga naka tala ang bandang silangan na nasasakupan ng pinuno ng Matnog na si HARA-HARA ay natawag na Busaingan.

​

Sa kabilang dako, ang lugar na ito ay tinawag di umanong “Binongtohan” nang mga taga naunang sibilisadong Malayo na naunang nanatili at namuhay dito, subalit ito ‘raw ay bahagi ng karatig bayang Bulusan.

​

Bago pa man ang ika labing walong siglo (1800) nauna nang lumaganap ang Kristyanismo sa lugar na ito sa pamamagitan ng mga Misyonaryong Fransiskano na itinatag ang kaunaunahang kapilya ni San Fransisco De Assis, naitayo ang kapilyang ito sa burol na ngayon ay tinatawag na USON o Brgy. Penafrancia. Ang pista ni San francisco ay ipinag diriwang tuwing ika 4 ng Oktobre bilang silibrayson at pag papasalamat sa Patron.

​

Noong Ika walong siglo (1800) naging ganap na Bayan ang Matnog at ang Busaingan ay naging sangay ng pamahalana ng Parokya ng Sto. Nino (Matnog) hanggang 1890 kung saan ang Busaingan ay naging ganap na na Parokya ng San Francisco de Assisi. Noong Nobyembre 1894 ang Busaingan ay idiniklarang Idependente sa pamahalaan nang lalawigan ng Albay alinsunod pag kakatatag ng lalawigan ng Sorsogon hanggan sa kasulukayan.

​

Sa paglaya ng Pilipinas sa pananakop ng mga espanyol at sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano naitalagang kauna unahang pinuno “Presidente Munisipal” ng Busaingan si Isidro Gallanosa. Sumigla ang sentro ng komersyo sa kung saan nakatatag ang Poblacion sa kasulukuyan, alinsunod rito inilipat ang simbahan ng parokya at ang pangalan nito kay Santa Maria Magdalena na ipinag diriwang ang araw ng papuri o pista sa ika 22 ng Hulyo hanggang ipinangalan ang ngayong Bayan sa kanyang patron si Santa Maria Magdalena o Santa Magdalena.

​

Pitompo’t dalawang kilometro (72 km) mula sa kapitolyo ng lalawigan ng Sorosogon ang Santa Magdalena ay isa sa pinaka pinaka malayo at pinaka maliit na bayan ng lalawigan, ang kalupaan nito ay binubuo lamang ng apat na libo, tatlong daan at limampo’ng kilometro kwadrado (4,350 sqm)na may halos labing pitong libong (17000) populasyon lamang. Matatagpuan ito sa dulong silangang bahagi ng lalawigan, hilaga ng bayan ng Bulusan at timog ng Matnog. Ang karagatan ng San Bernardino ay sa katimugan lamang ng halos kalahati ng bayan ng Santa Magdalena kaya hindi maipag kakailang maraming magagandang tanawin sa bayang ito.

​

Ang bayan ng Santa Magdalena ay naikukubli ng kabundukan ng Bulusan, Irosin at Matnog kaya ito ay tinatawag ng marami na nakatagong paraiso “The Hidden Paradise”.

​

Kultura

 

Ang pagkakatatag sa bayan ng Sta. Magdalena, ay bunga ng dibosyon sa patron at sa katolisismo bilang pangunahing relihiyon, isa ito kung hindi man ito lamang an bayan na ang lahat ng barangay ay naka sunod ang pangalan sa Santo o Patron, sa madaling salita ang mga tao sa bayang ito ay releheyoso, makatao at mapagmahal sa kapwa. Sinsitibo at mahabagin, matulungin at higit sa lahat ay mapagkawang gawa.

 

Ang mga kaugaliang kagaya ng Pag mamano, po at opo, pag galang sa nakakatanda at pag galang sa kapwa ay nananatiling kaugaliang nananalaytay at isinasabuhay ng mga tao at ipinapamana sa mga makabagong henerasyon. Ang pag tutulungan kagaya bayanihan “kombenyo” ay nananatiling buhay at isinasabuhay.

 

Masayahin ang mga tao dito, patunay ang nanatiling buhay na kultura ng sayawan “barayle” at mga makalumang tugtugin kagaya ng “Pamtumina”, “Cha-Cha”, “Tanggo” at iba pang mga sayaw na sa ibang lugar ay luma na.

 

Sa pag unlad ng kaalaman kasabay ng pag usbong ng mga makabagong tiknolohiya nanatiling buhay ang kultura ng Sta. Magdalena.

​

​

© 2018 all rights reserved Angelie Gajo

Created by blipeers

  • White Facebook Icon
Sumasali sa aming "mailing list"
bottom of page