top of page

Direksiyon

​

 

Kung manggagaling ng Maynila:

May 3 Pamamaraan upang maka rating sa bayan Santa Magdalena:

 

Eroplano – Sa kasalukuyan ang pinaka malapit na paliparan sa bayan ay ang Legaspi, may 3 hanggang apat ng byahe ang Cebu Pacific habang 2 hanggang 3 naman ang byahe ng Philippine Airlines galing Maynila, kung hindi kasagsagan ng bakasyon makaka bili ng balikang tiket sa halangang 2500 pesos lamang. Sa loob ng 1 oras kung mag ieroplano ay makakarating ka ng Legaspi City kung saan 3 hanggang 4 na oras ang byahe patungong Sta. Magdalena.

 

Sa Paliparan ng Legaspi ay may mga pam publikong sasakyan patungong Terminal ng Bus o Van, ang taxi ay maaring umabot sa 70php hangang 100php at ang Tricycle ay 50php ang pamasahe.

Bus man o Van ang iyong sasakyan pareho ito dadaan ng Trice Bulan, ang pamasahe sa Van ay 180php samantala kung bus ay 150php kada pasahero, Pagka baba ng Trice Bulan may mga dumadaang Jip o Tricycle patungong Sta. Magdalena, sa halangang 50 Pesos lamang at 30-45 minutong byahe ay makakaratin na kayo sa bayan ng Sta. Magdalena.

​

Bus – May tatlong Terminal ng mga bus papuntang Sta. Magdalena. Sa Pasay, Araneta Bus Terminal at Alabang. Sa kasalukuyan 3 bus ang pwede mong pag pilian, ang Pamar Aircon, Pamar Ordinary o MarkEves Ordinary ay lahat direktang bumabyahe papuntang Sta. Magdalena, ang kagandahan sa bus ay mura at komportabli kang makaka byahe, magkakaroon ka ng pag kakataong mapag masdan ang kagandahan ng bikol at mga daraanang mga probinsya, kahit may katagalan ang byahe na aabot ng 15hours pwede kang mamili ng prutas, kakanin at mga pasalubong sa sa Quezon at Bikol mo lang matitikman o mabilili sa murang halaga. Ang pamasahe sa bus kapag aircon ay 800php samantala sa ordinary bus naman ay 650php. Ang kagandahan ay direkta ka nang ibababa sa bayan ng Sta. Magdalena. Para sa mga mag bababakasyon na hindi naman nag mamadali at nag titipid ito ang pinaka mainam na paraan upang marating ang Sta. Magdalena.

 

Sariling Sasakyan – Kung may sarili ka namang sasakyan, siguraduhin mong may kapalit ka sa pag mamaneho o may kasama kang babyahe dahil 600 km ang layo ng Maynila papunta sa bayan na ito, ang kainaman sa sariling sasakyan ay pwede kayong magpahinga sa daan, at pwede kayong dumaan sa mga magagandang lugar at tanawin kagaya ng Quezon, Naga o Legazpi at magkaroon ng pagkakataong makapaasyal sa kapitolyo ng Sorsogon. Maari niyong marating ang Sta. Magdalena sa loob lamang ng 12hrs depende sa kondisyon ng daan at tulin ng takbo. Sa tiknolohiya ngayon hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na pwede tayong gumamit ng “waze” o “google Navigation” para hindi maligaw sadaan, kung hindi naman ang Maharlika Hi-way ay marami namang palatandaan at naka sulat na direksyun patungong bikol. Ang dulo ng Maharlika h-way o Pan Philippine Hi-way at ang Matnog Port, para marating ang Sta. Magdalena ay kilangan lumiko pakaliwa 2 kilometro bago ang Matnog Port o pantalan, at baybayin ang 9km Sta. Magdalena municipal road.

​

© 2018 all rights reserved Angelie Gajo

Created by blipeers

  • White Facebook Icon
Sumasali sa aming "mailing list"
bottom of page